Thursday, May 15, 2008

MY EXPERIENCE


Minsan na akong sumulat tungkol sa pag-ibig dito sa blog ko.

Tungkol sa kakayanan mo pag dating sa pag-ibig

Ngayon, may mga nagtatanong sa akin kung bakit hanggang ngayon single parin ako at walang partner sa buhay.

It's been 3 years since last akong pumasok sa isang relasyon. Well kung tutuusin yung last bago ako maging single eh di naman ganun ka kagrabe ang nangyari.........siguro mas marami akong masasabi dun sa una kong minahal.


Year 2001 ko siya nakilala, I'm working that time sa isang Department Store sa Bacolod, kakagraduate ko lang ng high school nun. Kakatapos lang ng work ko at oras na para umuwi sa boarding house na malapit lang din sa pinapasukan ko, naligo ako,kumain ng hapunan, nagpahinga ng konti pero di parin ako dalawin ng antok kaya nagdesisyon akong lumabas ng boarding house at pumunta sa park malapit sa tinitirahan ko (which is nasa city ako mismo ng Bacolod).

Habang ako'y naninigarilyo at nakaupo sa isa sa mga maraming bench sa park, may biglang lumapit sa akin at nakisindi ng yosi din. Di ko nakita ang mukha nya hanggang sa bumalik siya sa kinauupuan ko at nag umpisa syang mag salita. Nagpakilala sya at ganun din ako. Marami kaming napagkwentuhan nung gabing yun at di ko namalayan na 4 am na pala ng umaga...sabi ko sa kanya uuwi na ako kasi me pasok pa ako, sagot nya...sige........san ba kita pwedeng dalawin......ang sagot ko sa kanya..kung talagang interesedo ka puntahan mo ako sa trabaho ko mamaya...at binigay ko ang buong pangalan ko at kung san ako nagtratrabaho.

To make the story short....ginawa nya na pumunta at hanapin ako sa trabaho ko and in the end naging kami. Tumagal din kami for 1 year and 3 months. Pero maraming nangyari sa loob ng taon na yun. For the first six months namin....masaya,puno ng pagmamahal,kulitan,asaran,gimik sa mga kaibigan nyam, etc.............pero yung sumunod na buwan.......medyo nagkakalabuan na......andyan na yung nabuko ko siya na nakikipagkita siya sa dati nyang ex.....pero tumahimik lang ako kasi di ko naman alam kung ano pinag uusapan nila at kung bakit sila nagkikita.....hanggang dumating sa puntong nabuko ko rin sila..............birthday ko nun, pinagluto ako ng partner ko,kami lang dalawa ng celebrate ng birthday ko kasi gusto ko solo ko sya at ganun din sya.........

Oras na para matulog nung biglang nagriring ang telepono nya.......at tamang-tama nasa cr siya....ako naman sa sobrang antok at naiingayan ako sa ring.....ang ginawa ko kinuha ko ang telepono at tinignan kung sino ang tumatawag...lumabas sa phone screen nya ang pangalan ng ex nya....nag bigla kong narinig na bumukas na ang pinto ng cr, bigla akong nagtulog tulugan at binitawan ang phone...........sinagot nya ang telepono at ang mali lang nya ay di nya sinarado ang pinto ng room namin kung saan rinig na rinig ko ang pag uusap nila................................................magkikita sila sa ganitong araw at ganitong lugar....at sa huli ang di ko kinaya nung gabing yun eh marinig ko ang partner kong sabihin ang salitang i love you sa dating ex nya......

Dumating na ang araw na kung saan pareho kaming tatlo ang masasaktan. Pinuntahan ko sila dun sa lugar kung san sila magkikita at kung anong oras.....Nauna akong dumating sa partner ko at ang ex nya andun na....di alam ng ex niya na ako ang partner ng ex niya nung time na yun. Nilapitan ko nakipag kilala ako at sinabi ko na ako ang partner ng ex niya na partner ko na ngayon......sa magandang paraan syempre....ayaw ko rin ng gulo.....sabi ko hintayin natin ang love interest natin at magkaalaman na....dumating na ang partner ko at gulat na gulat siya.......namumuti ang mukha niya sa nakita niya.....ako ang ex nya dati ay magkasama........


In the end.........ako ang talo........ako ang nagpaubaya na.........sa pag uusap naming tatlo........ang lumabas na katotohanan ay mahal pa talaga ng partner ko ang ex niya..........love on a rebound ang nangyari.....sabi ko naman.....minahal mo din ba ako? ang sagot niya oo.....pero ayaw niyang lokohin ang nararamadaman niya para sa ex niya.......

masakit malaman ang katotohanan.............pero kelangan tanggapin.......kasi pag tinanggap mo yung katotohanan......madali kang makakapag move on.......

Sa ngayon masaya kami ng ex partner ko bilang mag kaibigan at balita ko going strong sila ng kanyang ex na partner na niya ngayon. Sabi ko sa kanya maraming salamat at tinulungan mo ako sa lahat ng bagay.......he is my first partner.....and im young that time pero pinamulat niya sa akin ang mundo......ang totoong mundo....ang totoong nangyayari sa mundo natin.....na ang lahat ay me dahilan........lahat ng bagay me purpose.......masakit man eto o masaya.........


Sabi pa niya sa akin wag daw akong matakot magmahal kasi di mo mararanasan ang magmahal kong inuunahan mo na nang takot.........

sabi ko sa kanya........oo naman....kaya ang mga sumunod na naging partner ko di na tumagal ng dalawang buwan....siguro sa dahilan na medyo naging maingat na ako para sa sarili ko........pero di rin pala tama yung ganun......


Minsan pag pumasok tayo sa isang relasyon, marami tayong bagay na sinasakripisyo sa buhay.........halos lahat lahat na nga lang sinakripisyo mo dahil sa taong yun........dumating din sa puntong sa kanya na umiikot ang mundo.......tatalikuran mo yung mga taong nagmamahal sayo pero sa tingin mo eh kontra sa taong mahal mo.............................

Isa lang ang masasabi ko sa ngayon.....di ba maganda pumasok sa isang relasyon pag maganda ang future mo........okay ka......at ganun din siya.....maganda magkaroon nang kasalo sa isang umaga kung alam mong di niyo problema ang future niyo.......

Pero paano kung dumating ang taong mahal sa panahong medyo di pa okay ang future mo....anong gagawin mo?????? pagsasabayin mo ba???

ako? depende......ipakita lang sa akin nung taong yun na deserving siya para maging partner ko........for sure gaganda ang future namin....hehehehehehe


Sa love...................walang oras,walang araw,walang panahon. Bigla na lang darating niyan ng di mo inaasahan.........nasa sayo kung susungaban mo agad o dahan dahan mong kilalanin ang tunay na pag ibig mo........

Friday, April 11, 2008

KAYA MO BA?


Ano ba para sayo ang tunay na ibig sabihin ng PAG-IBIG?

Yung bang ibibigay nya lahat ng gusto mo?

Tanggap ka nya kahit sino ka pa at kung anong meron ka?

Kaya kang ipagtanggol sa ano man o sino mang taong balak sumira o umagaw sayo?

O yung taong pinakikitaan ka ng mabuting bagay, binigyan ka ng sapat na oras na kung tutuusin eh oras nya yun para sa sarili niya.?

Maraming ibig sabihin ang LOVE . Marami ding iba't ibang mukha ang PAGMAMAHAL. Kaya minsan yung iba naloloko yung iba naman nagtatagumpay sa larangan ng pag-ibig.

Pag di mo ba nasuklian yung pagmamahal na binibigay ng isang tao sayo....ibig sabihin ba nun eh di kana marunong magmahal? o natatakot ka lang? o di kaya wala kang nararamdaman para sa taong yun?

Minsan gulo narin ang isip ko pagdating sa definition ng love. Minsan di ko na alam nasasaktan ko na pala yung taong nagmamahal sa akin ng di ko alam. Pero sa akin di ko naman intensyon na saktan o kung ano man.

Its been 3 years na di ako nakipagrelasyon, me mga dumating sa buhay ko at umalis. Di ko alam kung bigo sila na maging karelasyon nila ako o ako ang nabigo dahil pinigilan ko ang nararamdaman ko para sa mga taong yun. Pero eto ang pinili ko, choice ko eto kaya dapat panindigan ko kung ano man ang pinili ko. Pero kung iisipin kong mabuti, masyadong matagal na ang tatlong taon para maging solo sa buhay pero minsan din naman naiisip ko yung mga bagay na posibleng mangyari sa dalawang taong nagmamahalan at nagsasama. Pero sabi naman nila part ng relasyon ang pag aaway, pagdidiskobre ng mga lihim nyo sa isa't - isa, unti - untin niyong nakikilala ang bawat isa. Ultimong hininga nya kabisado mo,ang amoy nya,ang kinakain nya, lahat - lahat.

Pero pano mo uumpisahan ang isang relasyon kung hindi naman naging kayo? kung ang isa sa inyo eh di mahal yung taong nagmamahal? O kaya sabihin na nating pareho kayong me gusto at nararamdaman, hanggang saan ang kaya mong ibigay para sa isang relasyong alam mo naman di kalaunan eh mawawala din....?

Minsan di ko narin alam kung ano ba talaga ang tunay na pag-ibig. Dahil ba sa nasabi mong me gusto ka sa isang tao eh mahal mo na siya? Yun ba yun?

Paniniwalaan mo ang salitang I LOVE YOU pag sinabi niya sayo yan na kung tutuusin ilang araw nya ka palang nakikilala at ganun ka din.

Sa ngayon maraming bagay sa mundo ang importante hindi lang ang pag-ibig.

Sabi nga rin ng matatanda....darating din yang pag-ibig

Pero sabi din ng iba, pano kung dumaan na ng di mo napapansin? Pano kung nahuli ka o nahuhuli kana?

Kung kikilos ka naman di malayong magkamali ka.

Pero wala namang tama at mali sa pag-ibig, di ba?

Ikaw, kaya mo bang isugal lahat para sa pag-ibig?

Kaya mo bang isalba ang relasyon nyong malapit ng masira?

Kaya mo bang tanggapin lahat ng maaaring mong matuklasan sa taong mahal mo?

Di ka ba natatakot na balang araw yung pagmamahal na naramdaman ninyo eh unti unti nang kinakain ng kasakiman at kasinungalingan?

Tanungin mo ang sarili mo..........