Friday, April 11, 2008

KAYA MO BA?


Ano ba para sayo ang tunay na ibig sabihin ng PAG-IBIG?

Yung bang ibibigay nya lahat ng gusto mo?

Tanggap ka nya kahit sino ka pa at kung anong meron ka?

Kaya kang ipagtanggol sa ano man o sino mang taong balak sumira o umagaw sayo?

O yung taong pinakikitaan ka ng mabuting bagay, binigyan ka ng sapat na oras na kung tutuusin eh oras nya yun para sa sarili niya.?

Maraming ibig sabihin ang LOVE . Marami ding iba't ibang mukha ang PAGMAMAHAL. Kaya minsan yung iba naloloko yung iba naman nagtatagumpay sa larangan ng pag-ibig.

Pag di mo ba nasuklian yung pagmamahal na binibigay ng isang tao sayo....ibig sabihin ba nun eh di kana marunong magmahal? o natatakot ka lang? o di kaya wala kang nararamdaman para sa taong yun?

Minsan gulo narin ang isip ko pagdating sa definition ng love. Minsan di ko na alam nasasaktan ko na pala yung taong nagmamahal sa akin ng di ko alam. Pero sa akin di ko naman intensyon na saktan o kung ano man.

Its been 3 years na di ako nakipagrelasyon, me mga dumating sa buhay ko at umalis. Di ko alam kung bigo sila na maging karelasyon nila ako o ako ang nabigo dahil pinigilan ko ang nararamdaman ko para sa mga taong yun. Pero eto ang pinili ko, choice ko eto kaya dapat panindigan ko kung ano man ang pinili ko. Pero kung iisipin kong mabuti, masyadong matagal na ang tatlong taon para maging solo sa buhay pero minsan din naman naiisip ko yung mga bagay na posibleng mangyari sa dalawang taong nagmamahalan at nagsasama. Pero sabi naman nila part ng relasyon ang pag aaway, pagdidiskobre ng mga lihim nyo sa isa't - isa, unti - untin niyong nakikilala ang bawat isa. Ultimong hininga nya kabisado mo,ang amoy nya,ang kinakain nya, lahat - lahat.

Pero pano mo uumpisahan ang isang relasyon kung hindi naman naging kayo? kung ang isa sa inyo eh di mahal yung taong nagmamahal? O kaya sabihin na nating pareho kayong me gusto at nararamdaman, hanggang saan ang kaya mong ibigay para sa isang relasyong alam mo naman di kalaunan eh mawawala din....?

Minsan di ko narin alam kung ano ba talaga ang tunay na pag-ibig. Dahil ba sa nasabi mong me gusto ka sa isang tao eh mahal mo na siya? Yun ba yun?

Paniniwalaan mo ang salitang I LOVE YOU pag sinabi niya sayo yan na kung tutuusin ilang araw nya ka palang nakikilala at ganun ka din.

Sa ngayon maraming bagay sa mundo ang importante hindi lang ang pag-ibig.

Sabi nga rin ng matatanda....darating din yang pag-ibig

Pero sabi din ng iba, pano kung dumaan na ng di mo napapansin? Pano kung nahuli ka o nahuhuli kana?

Kung kikilos ka naman di malayong magkamali ka.

Pero wala namang tama at mali sa pag-ibig, di ba?

Ikaw, kaya mo bang isugal lahat para sa pag-ibig?

Kaya mo bang isalba ang relasyon nyong malapit ng masira?

Kaya mo bang tanggapin lahat ng maaaring mong matuklasan sa taong mahal mo?

Di ka ba natatakot na balang araw yung pagmamahal na naramdaman ninyo eh unti unti nang kinakain ng kasakiman at kasinungalingan?

Tanungin mo ang sarili mo..........


2 comments:

wyteheart said...

hehehe..
masyado po akong nakakarelate dito sa blog mo..
katulad din kasi sya sa blog ko... bout love.. heheh

Mamoroe said...

nice blog
dudez
:D:D
cheer up
hope you can
visit mine

~MAMOROE~